Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan (Buod)



Tumuloy si Simoun sa tahanan nina Kabesang Tales na may dalang mga pagkain at mga alahas. Dumagsa ang mga mamimili ng alahas kabilang sina Hermana Penchang, Sinang, at Kapitan Basilio. Plano ni Penchang na bumili ng brilyante para ialay sa birhen ng Antipolo.

Abala ang lahat sa pamimili ng alahas. Galak ang dala nito sa mga mamimili. Napaisip naman si Tales sa dami ng alahas na dala ni Simoun.

Naglabas pa si Simoun ng mga hiyas kabilang ang kuwitas ng dating nobya na pumasok sa pagmomongha. Natipuhan iyon ni Sinang at ipinabili sa kaniyang amang si Kapitan Basilio. Nabili nila iyon sa halagang 500 piso.