Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika (Buod)



Maluwag at parihaba ang sukat ng silid sa pisika. May rehas na bakal at mayroong matataas na upuan at lamesang kahoy. Nakaupo roon ang mga mag-aaral na nakaayos ayon sa unang titik ng kanilang apelyido.

Walang disenyo ang malaking silid. Puro mga aparador lamang ang kagamitan sa loob. Si Padre Millon ang guro sa pisika sa San Juan de Letran. May tanungang naganap sa klase. Nag-usap sina Placido at Pelaez na magtulungan.

Tinapakan ni Pelaez si Placido bilang senyales pero napatili si Placido at siya ang napag-initan at tinanong ng guro.

Utal siyang sumagot at nais ang guro at binigyan siya ng mababang marka at mga panlalait. Umalis tuloy si Placido sa klase.