Kabanata 15: Si Ginoong Pasta (Buod)



Nagtungo si Isagani sa tanggapan ni Ginoong Pasta. Tanya gang ginoo dahil sa kaniyang angking katalinuhan. Siya ang takbuhan ng mga pari upang manghingi ng payo sa mga alanganing pangyayari.

Sinabi na agad ni Isagani ang kaniyang balak. Sinabi nito na kailangan niyang si kausapin ni Pasta si Don Custodio upang pahintulutan ang nais nila. Nakinig man ang ginoo, ngunit batid na agad ni Isagani na walang interes ang ginoo na tulungan sila.

Hindi nga nagkamali si Isagani dahil sinabi ni Ginoong Pasta na ayaw niyang makialam sa ganitong bagay at bahala na ang pamahalaan. Malungkot si Isagani sa desisyon ni Pasta.