Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo (Buod)



Matapos ang kanilang pagpupulong, tutungo naman sa perya sa Quiapo ang mga bisita at si Quiroga. Daraan din sila sa bahay ni Mr. Leeds.

Maliban sa mga atraksiyon sa perya, naaliw ang pareng si Camorra sa mga babaeng nakikita niya sa peryahan. Mahilig sa makamundong bagay ang pari. Lalo siyang natuwa nang makita si Paulita Gomez kasama ang tiyang si Donya Victorina.

Nagtingin-tingin din sila ng mga paninda sa bilihan ng mga rebultong kahoy. Napagkatuwaan nilang maghanap ng kahawig ng mga rebulto.

Mayroong kahawig ni Simoun kaya nauwi sa alahero ang usapan. Sinabi ni Ben Zayb na kaya wala si Simoun ay dahil baka takot siya mabunyag ang lihim ng kaibigang si Mr. Leeds.