Kabanata 19: Ang Mitsa (Buod)



Buo na talaga ang loob ni Placido na itigil ang pag-aaral. Ito ay sa kabila ng pagmamakaawa ng mga magulang na tapusin ang kaniyang pag-aaral hanggang sa maging abogado siya.

Nagatalo sila ng kaniyang mga magulang kaya umalis ng bahay ang binata. Nakita niya si Simoun at isinalaysay dito ang hinaharap na suliranin.

Upang mamulat sa katotohanan, sinama ni Simoun si Placido sa kaniyang pagawaan ng pulbura. Nakita niya rito ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga manggagawa.

Sunod silang pumunta sa bahay ni Simoun at nakita aang isang batang kasing edad niya na napakatandang tignan dahil sa bigat ng trabaho. Dito ay nagbago ang pananaw ni Placido.