Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta (Buod)



Nang magpunta si Simoun sa ilalim ng kubyerta, dito niya nakita ang sitwasyon ng mga ito. Siksikan at masikip doon dahil sa mga kargamento at mga bagahe.

Sa ilalim ng kubyerta nakasakay si Basilio, anak ni Sisa na isa nang mag-aaral sa medisina ngayon, at kaibigang si Isagani na isang makata mula sa Ateneo.

Kinausap nila si Kapitan dahil sa balak na pagtuturo ng wikang Espanyol ngunit hindi sila pinahintulutan. Natalakay din nila si Paulita Gomez na kasintahan ni Isagani at pamangkin ni Donya Victorina.

Nag-usap sina Simoun, Basilio, at Isagani tungkol sa mga alahas at alak. Ayon kina Basilio at Isagani, ayaw nilang uminom ng alak dahil nagiging sanhi raw ito ng katamaran.