Tutol sina Padre Salvi sa pagpapalabas ng Dulaang Variadades. Ngunit ang hukbong dagat at mga simpleng mamamayan ay sabik na sa pagtatanghal. Ayaw ng mga prayle dahil mayroong kalaswaan ang paksa ng dula.
Hindi pa man takdang oras ng pagtatanghal ay dagsa na ang mga tao. Nag-uumpisa na ring dumating ang mga manonood at panauhin kabilang si Camaroncocido.
Galing siya sa mayamang angkan ng mga Kastila ngunit napakasimpleng manumit na minsa’y inaakalang siyang hampaslupa.
Naroon din ang kayumangging matanda na si Tiyo Kiko. Kilala siya sa kaniyang maayos na bihis. Magkatulad ang dalawa na malapit sa mga kartel ng dulaan. Pumayag na rin ang mga prayle dahil sa perang malilikom mula sa dula.