Inuusig ng paring si Padre Fernandez ang kaniyang mag-aaral na si Isagani. Nagtalumpati raw kasi si Isagani sa harap ng mga mag-aaral na nakasama niya sa hapunan.
Nagtapat naman si Isagni na hinangaan ng mga pari. Karaniwan daw kasing tatanggi ang mga mag-aaral kapag inuusig. Sabi naman ni Isagani na dahil sa mga pari ang kanilang magandang ugali.
Pero inisa-isa rin ni Isagani ang mga problema ng mga pari bilang guro. Kasama na rito ang panlalamang ng mga pari sa mga Pilipino upang maging komportable ang kanilang buhay.
Wala nang nagawa ang pari at di makasagot. Sa unang pagkakataon, walang masabi ang isang pari laban sa isang estudyanteng Pilipino.