Kabanata 29: Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago (Buod)



Ang kayamanang naiwan ni Tiyago ay napunta sa Sta. Clara at sa mga pari habang ang iba naman ay napunta sa mga iskolar.

Matapos ang pagtatalo, napagpasiyahan ng mga prayle ang damit na isusuot ni Tiyago sa huling pagkakataon. Nasunod si Padre Irene na suotan ng isang lumang damit ang yumao. May ilang nagsasabing nagpaparamdam si Tiyago dala ang kaniyang paboritong panabong na manok.

Magarbo ang libing ni Tiyago na mayroong mga padasal at paawit at maraming bulaklak na alay sa ataul nito.

Ang katunggali naman ni Tiyago na si Donya Patrocinio ay gusto na ring mamatay sa inggit at ilibing nang marangya.