Kabanata 3: Ang mga Alamat (Buod)



Upang di pa rin mainip, nagpatuloy ang kuwentuhan at napunta sa mga alamat.

Naikuwento ng Kapitan ang alamat ng Malapad na Bato. Banal daw ang tingin ng mga tao noon sa bato dahil sa mga element at espiritu.

Ngunit nang masakop ng mga criminal ang lugar, sa mga tulisan na natakot ang mga tao. Naikuwento rin ni Padre Florentino ang tungkol kay Donya Geronima na nagkaroon ng nobyong arsobispo at nagtago sa yungib ang dalawa.

Napunta naman ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra. Hinanap ito ni Ben Zayb kung saang banda ng Ilog Pasig habang namutla naman at natahimik si Simoun dahil siya si Ibarra na nagpapanggap lamang na isang alahero.