Kabanata 7: Si Simoun (Buod)



Paalis na sana si Basilio mula sa libingan ng ina nang may makita siyang isang lalaki. Batid niyang si Simoun iyon dahil sa kausotan nito. Abalang naghuhukay si Simoun na walang suot na salamin kaya naman iba ang hitsura nito.

Pinagmasdang maigi ni Basilio si Simoun at nangilabot siya. Pamilyar ang mukha ng lalaking naghuhukay sa libingan.

Mas matanda na nga lamang ito ngayon dahil 13 taon na ang lumipas. Puti na ang buhok at makapal ang bigote at balbas.

Ngunit kahit may bakas na ng kantandaan, kilala pa rin ni Basilio ang mga mata nito at kaniyang mapanglaw na mukha.