Inaabangang pagdiriwang noon ang Pasko na Kapanganakan ni Hesukristo. Ngunit ang mga Kristiyano ay tila hindi masaya noong araw na iyon.
Parang ito ang unang Pasko ng mga mamamayan, parehong mahirap at mayaman, na mapanglaw sila. Puno sila ng suliranin na tila nakikisabay sa pinagdaraanang kalbaryo nina Maria at Jose bago ipanganak ang Mesiyas. Batid ng mga mamamayan ang lungkot. Iniisip tuloy nilang hindi naghimala ang Birheng Maria.
Ang namasukan noong bisperas ng Pasko kina Penchang na si Juli ay nagpatuloy hanggang Pasko. Ngunit hindi ibinagayan ng Hermana ang hinihinging karagdagang bayad para piyansa ng ama na ikinalungkot maging ni Tandang Selo na naging sanhi ng pagkapipi nito.