Usap-usapan ng madla ang sinapit ng kaaawa-awang si Tandang Selo. Bunga kasi ito ng kasawiampalad ng kaniyang anak na si Kabesang Tales.
Inihahalintulad tuloy ng iba kay Poncio Pilato ang paghuhugas kamay ng mga prayle sa hinaharap ng pamilya ni Juli. Parang si Pilato rin umano ang mga prayle at si Tales naman si Hesus na naparusahan dahil sa maling paglilitis.
Nakalabas naman sa piitan si Kabesang Tales. Nagbenta ng alahas si Juli kasama ang salaping kinita niya sa pangangamuhan kay Hermana Penchang.
Gayunman, malungkot pa rin siya dahil pinaalis sila sa kanilang tahanan, maysakit ang kaniyang ama, at nawalan sila ng kabuhayan.