Aginaldo Ng Mga Mago

« Dito o Doon, Hindi Ilusyon Maaaring Lumipad Ang Tao »

Ang Regalo

Aginaldo Ng Mga Mago buod tauhan gintong aralUpang maibigay ang hiling ng asawa, si Delia ay gumawa ng paraan upang madagdagan ang kanyang kakarampot na pera. Nais niyang ibigay ang matagal ng inaasam ng asawa na platinong kadena para sana sa relong paborito nito kung kaya ipinagupit niya ang kanyang inaalagaang buhok bilang kapalit ng kaunting halaga upang mabilan at mapasaya ang kanyang asawa.

Sa kabilang banda, si Jim naman ay nag-iisip din ng isang magandang regalo para sa asawang si Delia kung kaya naman isinakripisyo nito ang kanyang relong paborito upang mabilhan ng suklay si Delia na diumano ay matagal na nitong nais na magkaroon.

Ang Diwa ng Pasko

Aginaldo Ng Mga Mago salik tagpuan damdaminNang makauwi ang mag-asawa sa kanilang tahanan, nagulat si Jim dahil sa maikli na ang buhok ng asawa. Samantala, nabigla naman si Delia dahil hindi na suot ni Jim ang kanyang relo. Nag-usap ang dalawa at inilahad ang kani-kanyang sakripisyo.

Saka nila napag-isip na ang tunay na kahulugan ng pagdiriwang ng pasko ay hindi makikita o mababata sa material na regalo na maaaring ibigay ng mga tao sa isa’t isa kundi ang tunay na diwa at kahulugan ng pasko ay ang pagbibigay ng pagmamahal sa isa’t isa ng hindi napapalitan ng kahit na anumang bagay at hindi nabibili sa anumang halaga.


« Dito o Doon, Hindi Ilusyon (Buod) Maaaring Lumipad Ang Tao (Buod) »