Nag-retiro na sa kaniyang trabaho si Kibuka. Ngunit hindi buo ang loob niya sa pagkawala ng kaniyang kabuhayan. Gayunman, tuloy ang buhay para sa kaniya. Nagdala ang apo niya ng isang alagaing baboy upang may pagkalibangan siya.
Ayaw din ni Kibuka na mag-alaga ng baboy ngunit wala na ring nagawa. Inalagaan niya ito hanggang sa tuluyang lumaki.
Tumakaw ito at naging pabigat na kay Kibuka. Nang umabot sa puntong wala nang mapakain si Kibuka rito ay tumulong na ang kaniyang mga kapitbahay.
Naisipan ni Kibuka na pumunta sa sagradong puno, isang araw. Ngunit isang aksidente ang kinasangkutan nila. Nabundol si Kibuka at ang baboy ng motorsiklo.
Walang gaanong sugat si Kibuka ngunit ang kaniyang alagang baboy ay malubha ang tama. Dumating ang mga pulis at sinabihan si Kibuka na kailangan niya munang gamutin ang ilang galos.
Binawian na ng buhay ang kaniyang alagang baboy. Ayaw mang kainin ni Kibuka ang alaga, dahil pagtataksil iyon sa kaniyang alagang inayawan man noong una ay napamahal na rin.
Ngunit naisip niyang ipakatay na lamang ito at ipakain sa mga kapitbahay na nagmagandang loob noon na pakainin ang baboy.
Dumating si Musisi sa kanilang bahay at nagkuwentuhan sila ng kaibigang si Kibuka. Nasarapan na rin si Kibuka sa karne ng dating alaga kahit pa ayaw niya itong kainin noong una.
Tauhan
Ang mga tauhang itinampok sa kuwentong “Ang Alaga” ay sina:
- Kibuka na isang retiradong indibidwal na nag-alaga ng isang biik na sa unang pagkakataon ay hindi niya gusto subalit ng naglaon ay napamahal na rin siya.
- Apo ni Kibuka na siyang nagbigay ng biik sakanya upang alagaan.
- Nathaniel Kiggundu ang taong nagmamaneho ng motorsiklo na nakabangga sa dalawa
- Musisi na isang kaibigan ni Kibuka na kanyang nakakuwentuhan matapos ipakatay ang baboy dulot ng isang aksidente at naging dahilan upang makain ni Kibuka ang karne ng kanyang alaga.
- Mga Kapitbahay na siyang tumulong kay Kibuka noong mga pagkakataong halos wala na siyang kakayahan na pakainin ang kanyang alaga.
- Mga Pulis na rumesponde matapos maganap ang isang aksidente.
Aral
Ang aral na makukuha sa kuwento ay ang pagpapahalaga sa bawat pagkakataon ng ating buhay gayundin sa mga bagay na mayroon tayo sapagkat ang oras ay limitado lamang.
Tagpuan
Ang kuwento ay naganap sa:
- Ggogombola headquarters – kung saan nagserbisyo si Kibuka
- Dampa – na nagsilbing tahanan ni Kibuka
- Ilog – na siyang pinagpapaliguan ni Kibuka sa kanyang alaga
- Kalsada o daan – kung saan nagana pang aksidenteng kinasangkutan ni Kibuka at ng kanyang baboy na alaga
Tema
Ang tema ng kuwento ay ang pagpapahalaga at pagmamahal sa mga bagay na mayroon ang isang tao.
Banghay
Ang kuwentong Ang Alaga ay nagsimula matapos magretiro ni Kibuka sa kanyang trabaho at pagkawala ng kanyang ikinabubuhay. Kung kaya, upang siya ay malibang siya ay ipinagdala ng biik ng kanyang apo.
Ayaw man ni Kibuka na tanggapin subalit wala rin siyang nagawa na sa bandang huli ang biik ay kanyang inalagaan hanggang sa ito ay lumaki.
Sa paglaki ng kanyang alaga, wala ng maipakin si Kibuka kung kaya naman ang kanyang mga kapitbahay ay nagtulong-tulong na upang mapakain ito.
Subalit isang araw, naisip ni Kibuka na magtungo sa isang punong sagrado kasama ang kanyang alaga subalit sa kasawiang palad, nabundol sila ng motorsiklo.
Walang malalim na tama si Kibuka subalit naging malubha ang kanyang alaga na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Naisip ni Kibuka na ipakatay ang kanyang alaga ngunit hindi siya kakain ng karne nito dahil ito ay kawalan ng respeto sa kanyang alaga na napamahal na rin sakanya.
Ipinakatay ito upang makapagbigay ng pasasalamat sa mga taong tumulong sakanya. Ngunit ng dumating si Musisi na kaibigan niya, napasarap ang kwentuhan ng dalawa na sa bandang huli ay naging dahilan ng pagtikim ni Kibuka sa karne ng alaga.