Ang Kwintas

« Ang Ama Dito o Doon, Hindi Ilusyon »

Si Mathilde

Si Mathilde ay isang napakagandang dalaga kaya maraming nagkakagusto at nahuhumaling sa kaniya, ngunit siya lamang ay isang mahirap na tao. Nakapag asawa rin si Mathilde ng isang mahirap na manunulat na si G. Loisel.

Paanyaya ng amo

Inimbitahan ng amo ni G. Loisel sa isang piging ang mag asawa kaya natuwa ang dalawa, ngunit nalungkot din si Mathilde dahil wala siyang magarang damit at binigyan siya ni G. Loisel ng pang bili ng damit, mas gusto pa rin ni Mathilde ang mamahaling alahas kaya nanghiram na lamang siya sa kaniyang kaibigan at mahal ang halaga ng alahas na pinahiram nito.

Sa piging

Noong pumunta na sa piging si Mathilde at G. Loisel, samu’t saring pagpupuri ang natanggap ng mag asawa, lalo na si Mathilde dahil lumitaw ang kaniyang kagandahan sa piging. Nakabaling ang atensyon ng mga tao kay Mathilde, dahil na rin sa mamahaling alahas na kaniyang suot at nakapag-dagdag atraksyon sa kaniyang pisikal na kaanyuan.

Pagtapos ng piging

Pagtapos ng piging ay masaya ang mag asawa dahil sa nakuhang atensyon, ngunit nawala ni Mathilde ang kwintas na hiniram mula sa kaibigan kaya naman nangutang at bumili na lang ito ng imitasyon ng alahas upang hindi masira ang relasyon ng magkaibigan.

Pagpunta mula sa piging ng amo ni G. Loisel

Pagpunta muli ng mag asawa ay nagulat ang amo ni G. Loisel sa itsura ni Mathilde na mahirap lamang, nagsabi ng totoo si Mathilde na sila ay nabaon sa utang dahil sa nawalang kwintas at imitasyon lamang ang alahas na ibinalik ni Mathilde sa kaniyang kaibigan.


« Ang Ama (Buod) Dito o Doon, Hindi Ilusyon (Buod) »