Maaaring Lumipad Ang Tao

« Aginaldo Ng Mga Mago

Ang mga taga-Africa at ang kapangyarihan

Ang mga indibidwal na naninirahan sa bansang Africa ay mayroong natatanging lihim na kanilang pinaka-iniingatan.

Ito ay ang kanilang kapangyarihan na lumipad. Ang kapangyarihang ito ay iniingatan ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang pag-aalis ng kanilang mga pakpak.

Ang parusa

Ang mga indibidwal na taga-Africa kabilang na si Sarah ay naninilbihan sa bukirin o palayan. Sila ay pinagtatrabaho subalit ang masalimoot na katotohanan ay sa gitna ng pagod at paghihirap, ang mga manggagawa o magbubukid na may kabagalan sa pagkilos ay walang awing hinahampas ng latigo ng isang tagapagbantay na lulan ng isang kabayo.

Ang Takdang Panahon

Sa gitna ng tirik na araw, habang si Sarah kasama ang sangggol na dala niya sa kanyang likuran ay nag-aayos at naghuhukay ng pilapil sa may palayan, biglang umiyak ang sanggol dala na rin ng gutom na nararanasan.

Hindi ito napatigil ng inang si Sarah kung kaya lumapit ang tagapagbantay at walang awa silang hinampas ng latigo.

Nang ito ay matigil, nilapitan ng isang matandang nagngangalang Toby ang sugatang si Sarah at nagwikang iyon na ang takdang panahon.

Pagkatapos ay nagkaroon ng sariling pakpak ito na siyang naging tulay upang makatakas siya at ang kanyang anak sa masalimoot na pamumuhay.

Sa kabilang banda, ang matandang lalaki ay tinulungan din ang iba pang mga magbubukid na makalaya samantalang patuloy na naghihintay ng takdang panahon ang iba pa.

Tauhan

Ang mga tauhang itinampok sa kwentong “Maaaring Lumipad ang Tao” ay sina:

  1. Sarah – na isang magbubukid na may dala-dalang sanggol na anak sa kanyang likuran.
  2. Toby – na isang matandang lalaki na siyang tumulong upang mapalaya ang mga tao.
  3. Ang tagapagbantay – na siyang humihigit ng latigo sa mga magbubukid na nakikita niyang mabagal kumilos.
  4. Ang mga magbubukid – na kapwa pinalaya at naghihintay pa ng takdang panahon ng paglaya sa tulong ni Toby.

Aral

Ang mapupulot na aral mula sa akdang ito ay ang bawat nilalang sa mundo ay may natatanging kakayahan na hindi nararapat husgahan ng sinuman sapagkat ang mga tao ay may kani-kanyang angking kakayahan.

Idagdag pa riyan na ang bawat sakripisyo, paghihirap, at pagdurusa sa pagdating ng panahon ay mapapalitan ng kasiyahan at kaginhawaan kung ang tao ay mayroong pagsisikap at pagtitiyaga at hindi nanaising sumuko sa kabila ng mga pinagdaraanan.

Tagpuan

Ang kwento ay naganap sa isang bukirin na matatagpuan sa bansang Africa. Ang bukiring ito ang lugar kung saan nagsisilbihan o nagtatrabaho ang mga tao

Tema

Ang temang pinairal sa kwento ay ang patuloy na pakikibaka sa hamon ng buhay sa kabila ng mga masasalimoot na mga panyayaring nararanasan ng isang indibidwal.

Banghay

Ang mga taong naninirahan sa Africa ay mayroong kapangyarihang iniingatan, ito ay ang kakayahang makalipad na kung saan inililihim nila ito sa bawat indibidwal sa pamamagitan ng pagtatago o pag-aalis ng kanilang mga pakpak.

Pinaniniwalaan din na ang mga taong may kakayahang ito ay nagpapalit ng anyo bilang mga katulad ng mga taga-Africa upang hindi mabatid ang kanilang kapangyarihan.


« Aginaldo Ng Mga Mago (Buod)