Noong Banal na araw sa bansang Jerusalem, isang lalaking naninirahan na roon nang matagal na panahon ang nakadaupang palad ang isang kakilala mula sa akademya. Dahil mayroon itong sasakyan, isinabay niya ang lalaki. Magkakilala kasi sila sa akademya.
Napag-usapan nila ang tungkol sa kapitbahay ng lalaki na iba-ibang lahi tulad ng Iraqi, Kurdish, Israeli Ashkenazic (Israeling may karanasang Europeo), Amerikano, at Persian. Nang mapag-usapan ang Persian, nag-iba ang tono ng lalaki mula sa akademya.
Sabi nito, ang mga Persian daw ang pinakamasang lahi sa lahat, at batid raw iyon ng lahat na ikanagulat ng lalaki. Kaya naman ipinagtanggol niya ito at nagpaliwanag. Diskriminasyon lamang ang dahilan kung bakit masama ang tingin sa mga Persian.
Katulad raw ito ng favoritism sa eskwela. Makikita rin umano ito sa nangyaring halalan kung saan nagalit ang mga Afro-Asian Jews sa mga politikong sina Perez at Netanyahu. Naungkat din ang mga lahing naglilingkod at pinaglilingkuran. Ang mga lahing mapagmataas ang pinaglilingkuran habang ang mas mababa naman ay ang naglilingkod.
Dahil sa pagrereklamo ng mga naglilingkod, dito raw nagkakaroon ng alitan sa pagitan ng mga lahi. Nagtapos ang kanilang usapan sa paglalahad ng lalaki na batid naman nating lahat ang tama at mali tulad ng pagiging mapagmataas.