Liongo (Buod)

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante »

Si Liongo

Sa baying matatagpuan sa Kenya, mayroong isang makata at magaling na manunulat na nagngangalang Liongo ang naninirahan dito.

Ang kanyang wangis ay inilalarawan bilang isang nilalang na mayroong laking malahigante at taglay na kalakasan.

Ang Lihim ni Liongo

Bagama’t kakikitaan ng lakas si Liongo, sa likod nito ay may natatagong sikreto na ang nakaaalam lamang ay siya pati na rin si Mbwasho na kanyang ina.

Ang itinatagong lihim na ito ay ang hindi nararapat na matamaan sag awing pusod si Liongo sapagkat ito ay ang maaaring maging sanhi ng kanyang katapusan.

Ang pamumuno ni Liongo

Siya ang kinikilalang pinuno ng Ozi at Ungwana na matatagpuan sa Tana Delta. Siya rin ang naghari sa Faza partikular na ang Shangha.

Subalit dahil sa inggit, siya ay binilanggo ni Haring Ahmad sa pamamagitan ng paggamit ng kadena at bilannguan.

Ang Pagtakas

Dahil sa kagustuhang makawala mula sa pagkakabilanngo ng isang hari. Siya ay sumulat ng papuri na siyang binigyang himig sa labas ng piitin na naging daan upang makatakas si Liongo.

Matapos makatakas ay nanirahan siya sa kagubatan at sinanay ang sarili sa paggamit ng pana na naging tulay upang maging kampyon siya sa patimpalak na isa palang bitag ng hari.

Subalit dahil sa kanyang galing ay napahanga niya ang hari at sa galak nito ay ipinagkasundo ang kanyang anak na babae na ikasal kay Liongo.

Ang Kamatayan

Matapos ang kasal ay nakabuo ng isang pamilya si Liongo. Subalit ng naglaon ay napatay siya ng kanyang lalaking anak dahil hindi batid nito ang kanyang lihim.


Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante »