Ang Salao
Mayroon isang mangingisda na nagngangalang Santiago na 84 araw na hindi nakakahuli ng isda, kaya naman tinawag nila itong malas sa kanilang buhay at pinangalanan na “Salao”.
Manolin, kaibigan ni Santiago
Dahil sa kamalasan at kawalang huli ng isda ni Santiago ay hindi muna pinasasama si Manolin ng kaniyang mga magulang at maghanap na lamang ng mas mahusay na mangingisda sa kanilang lugar.
Pagkakaibigan at pagbalik sa pangingisda
Kahit hindi na pinasasama si Manolin kay Santiago ay naging magkaibigan pa rin sila kahit hindi na nakakasama sa paglaot sa dagat.
Ang Marlin
Nang makabalik na sa pangingisda muli si Santiago, nakahuli siya ng malaking Marlin ngunit sa sobrang laki nito ay nilabanan niya pa ang lakas ng isda at nagkaroon ng dugo na nakakuha ng atensyon ng mga pating.
Ang mga pating na umatake
Nang maamoy ng mga pating ang dugo ng marlin, inatake rin nito ang bangka ni Santiago na kaniya rin nilabanan nang puspusan.
Pagtapos matalo ni Santiago ang mga pating, wala na ang laman ng marlin kaya hinayaan niya na lamang ito sa kaniyang bangka na puno ng dugo at iniwan ang buto doon.
Pagbabalik sa bahay kubo ni Santiago
Diretso bumalik si Santiago sa kaniyang bahay kubo dahil sa kaniyang pagod. Natagpuan naman ng mga kapwa mangingisda ang bangka ni Santiago na may dugo at buto kaya nag alala ang mga ito at inakala na may nangyaring masama kay Santiago.
Pag aalala ni Manolin
Nang mabalitaan ito ni Manolin, agad niyang pinuntahan ang kubo ni Santiago at natagpuan na maayos naman ang palagay nito.