Ang magiting at matapang na lider
Kilala si Okonkwo bilang isang masipag at matapang na lider sa tribu ng Umuofia. Hindi tulad ng kaniyang ama na iniwan sila, pinabayaan, at binaon din sa utang. Matagal na lumalahok sa digmaan si Okonkwo kaya siya rin ang napiling lider ng mga tao
Si Ikemefuna
Mayroong napatay ang ama ni Ikemefuna na babaeng Umuofian kaya naman upang magkaroon ng diplomasya at kapalit, binigay si Ikemefuna kay Okonkwo at itinuring niyang bilang anak.
Ang pamamaslang
Nahuli ng ilang kalalakihan si Ikemefuna ngunit siya rin ay nakatakas. Humingi ng saklolo ang bata kay Okonkwo ngunit mas pinili ng lider na patayin na lamang ang bata dahil siya ay nasa harap ng kaniyang nasasakupan.
Lumbay at pighati
Nang umuwi na si Okonkwo, siya ay labis na nalungkot at tsaka lamang naisip na mali ang kaniyang nagawa. Pinatay niya mismo ang itinuring niyang anak at siya ay nagkaroon ng depresyon. Humingi siya ng payo kay Obierika upang matalo ang kaniyang kalungkutan.
Pagkawala ng kaibigan at kaniyang anak
Habang nasa burol si Okonkwo ng kaniyang kaibigan, bigla na lamang din namatay ang anak ng yumao dahil sa ligaw na bala. Sinabi rin ng isang diyosa ay may kapalit ang pamamaslang ni Okonkwo kay Ikemefuna.
Tauhan
- Okonkwo – masipag, masigasig na lider ng Tribu
- Ama ni Okonkwo – nang iiwan, pabaya
- Ikemefuna – mabait at masunurin
- Obierika – matalinong kaibigan ni Okonkwo
Aral
Mas piliin natin dapat ang ating mahal sa buhay, kaysa sa mga titulo o kaya parangal mula sa ibang tao dahil hindi naman sila ang bumubuhay sa iyo. Pansamantala lamang ang mga titulo sa buhay, ngunit huwag natin sila ipagpalit dahil dito.
Sila ang iyong nakasama at nakaagapay sa buhay kaya huwag dapat mabulag sa mga materyal na bagay sa iyong buhay. Bukod pa rito, lahat ng bagay na masamang nagawa ay may kapalit din na masama sa iyong buhay.
Tagpuan
Ang tagpuan ng kwento ay naganap sa Nigeria.
Tema
Ang tema ay hinggil sa pamilya, mental na kalusugan, pag gawa ng mabuti sa kapwa, at pagiging maayos na lider.
Banghay
Ang lider na si Okonkwo ay pumatay ng isang tinuturing niyang anak na si Ikemefuna, huimingi siya ng payo mula sa kaibigan ngunit namatay din ito habang nilalabanan ang kaniyan kalungkutan. Hindi nagtagal ay nakaapekto ito nang malubha sa kaniyang mental na kalusugan at giit ng mga espiritu ay mayroon din itong masamang balik sa kaniya. Sa huli ay nagpakamatay siya dahil hindi na kinaya ng kaniyang konsensiya.