Kabanata 1: Ang Pagtitipon (Buod)



Tanyag si Don Santiago delos Santos o Kapitan Tiyago sa kanilang lugar dahil sa kaniyang kabutihang loob.

Kaya naman nang minsang magpapiging ang Kapitan, marami ang dumalo kabilang ang mga kilalang tao tulad ng mga dayuhan, kawani ng pamahalaan, at mga prayle.

Mayroong isang dayuhang bisita na matanong tungkol sa kaugalian ng mga Pilipino. Sumagot naman ng mapang-alipustang si Padre Damaso.

Ngunit nabaling ang usapan kay Damaso na natanggal bilang kura ng San Diego. Sumagot naman ang tinyente ang totoong rason kung bakit. Dahil sa pagpapahukay niya ng isang bangkay.

Nagalit si Damaso sa sinabi ng Tinyente na pinakalma naman ni Padre Sybila. Nagpatuloy naman ang pagtitipon.