Kabanata 10: Ang Bayan Ng San Diego (Buod)



Marami ang humahanga sa bayan ng San Diego dahil sa mayamang lupa, malawak na taniman, at mga ilog at lawa sa paligid. Maraming kabuhayan ang maaaring gawin dito.

Wala talagang nagmamay-ari sa bayan ng San Diego ngunit isang araw, may mayamang matandang Espanyol na nagbayad para maangkin ang bayan. Ngunit nagpakamatay ito sa di malamang dahilan.

Ilang buwan ang lumipas at mayroon namang isang lalaki na dumating sa bayan. Sabi nito, siya raw ang anak ng matandang nagpakamatay at nakabili ng San Diego.

Ang ngalan daw nito ay Saturnino na nanirahan na rin sa bayan at doon na nagkapamilya. Ang binatang iyon ay si Don Rafael, ang ama ni Ibarra.