Kabanata 12: Araw Ng Mga Patay (Buod)



Malaki sana ang libingan sa bayan ng San Diego. Ngunit dahil wala nang nag-aalaga ay kapansin-pansing napabayaan na ito. Ngunit ang abandonadong libingan ay isang gabing dinalaw ng dalawang sepulturero.

Abala ang dalawa sa paghuhukay. Nag-uusap ang dalawa habang naghuhukay. Sab ng nakababatang sepulturero ay bago lamang siya sa kanilang bayan. Hindi raw nito kinaya ang mga gawain sa isa pang sementeryong pinanggalingan nito.

Mas ma-edad naman ang isang sepulturero at may isinalaysay ito sa kasamahan. Mayroon daw siyang isang trabahong hindi natapos.

Pinalipat daw kasi sa kaniya ang bangkay ng isang matandang lalaki ngunit dahil malakas ang ulan ay napagpasiyahan na lamang niyang ihagis ito sa ilog.