Ito ang unang pagkakataong madadalaw ni Ibarra ang ama sa libingan nito matapos bumalik sa Pilipinas. Agad niyang hinanap ang nitso ng ama na may palatandaang krus. Mayroon din itong bulaklak na adelpa at sampaga.
Hindi niya ito mahanap kaya naman agad na nagtanong sa dalawang sepulturerong naghuhukay kanina pa.
Sinabi ng isa kay Ibarra na ang bangkay na hinahanap niya ang kaniyang hinukay upang ilipat ngunit hindi niya nagawa dahil sa ulan. Sinabi rin nito na itinapon niya sa ilog ang bangkay.
Magkahalo ang nararamdaman ni Ibarra ng mga panahong iyon. Umalis siya sa libingang may hinanakit. Nagtungo ito sa kinaroroonan ng mga pari.