Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo (Buod)



Isa rin sa mga nasa libingan noong mga panahong iyon ay si Don Anastacio o mas kilala na ngayon bilang si Pilosopo Tasyo. Hindi man batid sa anyo nito ngayon ngunit mayaman siya dati.

Napabayaan niya ang kaniyang mga minanang kayamanan dahil sa pagpanaw ng asawa. Ang asawa niya ang naging dahilan kung bakit hindi nito natupad ang pangarap ng ina niya para sa kaniya na maging isang pari. Pinahinto pa nga nito si Tasyo sa pag-aaral dahil sa sobrang talino nito at baka malimot na raw ang Diyos.

Sa pag-ulan noong gabi, sabi niya ay nais niyang lalong lumakas ang ulan upang malinis ang sangkatauhan.

Nakita naman ni Tasyo ang magkapatid na sakristan sa simbahan at sinabihang hinihintay na sila ng nanay nila.