Kabanata 15: Ang Mga Sakristan (Buod)



Ang magkapatid na sina Crispin at Basilio ang binati ni Tasyo sa simbahan. Bumabagyo noon ngunit patuloy pa rin sila sa kanilang trabaho bilang sakristan.

Ngunit hindi makauwi ang dalawa dahil napagbintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa o 32 piso.

Pinababayaran ito sa magkapatid ngunit alam nilang hindi ito sasapat sa dalawang pisong sahod nila kada buwan.

Nakarating sa kampanaryo ang sakristan mayor at sinita sila sa maling pagpapatunog ng kampana. Hindi na rin sila pinauwi at naabutan na ng ipinagbabawal na oras sa paglabas.

Kinuha ng sakristan mayor si Crispin dahil sa kasalanang ibinibintang. Gumawa naman ng sariling paraan si Basilio upang mahanap ang kapatid.