Mabait ang magkapatid na sina Crispin at Basilio. Kaya naman tuwang-tuwa sa kanila ang ina nilang si Sisa. Gayunman, masama ang ugali ng asawa nito na sugarol at mapanakit.
Noong gabing iyon, naghanda si Sisa ng paboritong pagkain ng mga anak na tuyong tawilis at kamatis para kay Crispin.
Tapang baboy ramo naman ang hilig ni Basilio. Minsan lamang ito mangyari dahil kapos sa buhay sina Sisa.
Ngunit hindi naman nakain ng mga anak ang handa dahil inubos ito ng walang puso nilang ama. Umalis ito pagkatapos dala ang kaniyang alagang manok.
Ilang oras na ay wala pa rin ang dalawang anak. Ilang sandali pa ay narinig niya ang sumisigaw na si Basilio.