Kabanata 17: Si Basilio (Buod)



Nakarating si Basilio sa kanilang tahanan ngunit may sugat ito sa noo. Ginagamot ito ng ina nang magsalaysay ang anak.

Sinabi niyang daplis iyon ng bala ng guwardiya sibil. Tumakas lang siya sa kombento upang ibalita sa ina ang bintang kay Crispin na pagnanakaw.

Nalaman din ni Basilio na umuwi ang kaniyang sakim at batugang ama. Dahil sa galit, nasabi niyang sana ay mawala na lamang sa landas nila ang kanilang ama upang maging mapayapa ang kanilang buhay na ikinalungkot ni Sisa.

Dahil sa dami ng naganap noong araw na iyon ay nakatulog si Basilio. Naalimpungatan naman siya nang mapanaginipan ang kaniyang kapatid na nanghihingi ng tulong.