Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap (Buod)



May sakit noon ang padreng si Salvi ngunit nakapagmisa pa siya ng tatlong beses. Ngunit matapos ang lahat ng misa ay agad itong pumunta sa kaniyang silid upang magpahinga. Nabigo ang mga hermano at hermana na gustong kumausap sa kaniya patungkol sa gaganaping pista.

Nais din nilang talakayin ang tungkol sa indulhensiya na ibinibigay upang maligtas ang mga ito sa purgatoryo. Mas malaking indulhensiya, mas maliligtas daw sa poot ng kabilang buhay.

Dumating naman si Sisa sa may simbahan. Agad siyang tumungo kay Padre Salvi. Pakay niyang makausap ito patungkol sa ibinibintang sa kaniyang bunsong anak na si Crispin. Alam ni Sisa na hindi iyon magagawa ng anak kahit mahirap lamang sila.