Kabanata 3: Ang Hapunan (Buod)



Marami ang naaliw sa piging na inihanda ni Kapitan Tiyago. Marami ang natuwa sa masasarap na pagkain at sa mga dumalong bisita, maliban kay Padre Damaso.

Kabaligtaran naman niya si Padre Sibyla na sobra namang aliw dahil mahilig talaga ito sa mga kasiyahan.

Si Ibarra naman na parang dayuhan sa pagbabalik sa Pilipinas ay saglit lamang at naging komportable na uli sa naganap na piging at nakikipag-usap na sa mga bisita.

Ibinahagi na niya ang mga kuwento ng kaniyang karanasan sa ibang bansa at ang kaniyang mga natutuhan kabilang ang kasaysayan at kanilang lengguwahe.

Ang dalawang pari namang sina Damaso at Sybila kung saang banda sa mesa uupo para sa hapunan.