Kabanata 4: Erehe At Pilibustero (Buod)



Kinabukasan, matapos ang piging, nag-ikot naman si Ibarra sa kaniyang bayan. Bumalik ang kaniyang mga alaala sa bawat tanawing nakikita lalo na nang makarating sa bundok ng Liwasan.

Alam ni Ibarra sa kaniyang sarili na wala namang malaking pagbabago sa kaniyang bayan.

Nagpatuloy ang kaniyang pagmumuni-muni at naisip niya ang napag-usapan nila ng tinyente tungkol sa kaniyang yumaong ama.

Kahit na nagpadala ng liham ang kaniyang amang si Don Rafael na huwag itong mag-alala noon, hindi naman ito ang naging kapalaran ng ama.

Napabilanggo ito dahil marami ang sumasama ang loob sa kaniya lalo na ang mga baluktot ang paniniwala. Mapapalaya naman sana si Don Rafael ngunit yumao ito nang biglaan.