Kabanata 5: Pangarap Sa Gabing Madilim (Buod)



Nagtungo si Ibarra sa kaniyang tinutuluyan sa Maynila kapag uuwi siya rito, ang Fonda de Lala. Dumungaw siya sa bintana dahil may nairnig siyang magandang tunog gawa ng orchestra.

Napansin niya ang mga nagtatanghal na binata at mga dalaga na maysuot na magarang damit. Nabaling naman ang kaniyang atensiyon sa napakagandang si Maria Clara.

Hindi naman ito nakapagtataka dahil marami talaga ang humahanga sa kaniya. Nahulog ang loob ni Ibarra sa dalaga.

Ngunit ang kaniyang damdamin ay biglang nag-iba nang maibaling ang atensiyon sa batang Pransiskano na payat at namumutla.

Tila wala namang pakialam si Padre Sybila at panay lamang ang tingin sa mga dalaga.