Kabanata 6: Si Kapitan Tiago (Buod)



Bago marating ang karangyaan na mayroon, simple lamang ang pamumuhay ni Tiyago noon.

Bagaman anak siya ng isang negosyante sa Malabon, naging masipag din naman siya sa pag-aaral at nakapagtapos ng lohika. Tinulungan lamang siya ng kaibigang Dominakanong pinagtatrabahunan niya.

Dumating naman ang suwerte nang makapangasawa siya ng isang dalaga mula sa Sta. Cruz na si Donya Pia.

Mahusay sila sa pagnenegosyo na nagbigay sa kanila ng marangyang pamumuhay. Dahil dito ay naging kilala sila sa kanilang bayan at napasama sa mga prominenteng tao.

Dahil sa pag-iiba ng kanilang pamumuhay, unti-unti na ring nagbago ang pananamit niya at naging deboto ng mga santo at sumunod sa mga banyaga.