Lumibot si Ibarra sa Maynila sakay ng isang karuwahe. Nais sana niyang maaliw at balikan ang kabataan ngunit imbes na maging mapayapa ang damdamin ay pagkainis lamang ang nanramdaman nito.
Nabatid niya kasi sa mga tanawin na mas naghihirap ang mga mamamayanan, partikular ang mga nasa Escolta na noon ay napakaganda.
Naisip ni Ibarra na ang lugar na malaking bahagi ng kaniyang kabataan ay unti-unti nang nasira dahil sa kapabayaan. Napakarami na ring mga Pilipinong alipin.
Masakit sa loob niya na mas maunlad ang mga prayle kaysa sa mga Pilipino. Naisip din ni Ibarra ang sinabi ng dati niyang guro sa kahalagahan ng edukasyon at paano nito mapauunlad ang bayan.