Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol Sa Bayan (Buod)



Paalis na sina sina Tiya Isabel at Maria Clara nang biglang dumating ang humahangos pang si Padre Damaso.

Nang malaman niyang papunta ang magtiya sa Beaterio upang kuhanin ang kagamitan ni Maria ay kaagyat na umakyat si Damaso upang kausapin si Kapitan Tiyago.

Nang magtagpo ay nagtalo na agad ang dalawa. Nagkakasigawan rin sila paminsan. Dito na rin ipinarating ni Padre Damaso ang damdamin daw ng gobernadorcillo sa pakikipaglapit ni Maria kay Ibarra.

Tutol daw ito sa relasyon ng dalawa dahil isang kaaway daw si Ibarra. Sinabi pa ng prayle na bilang pangalawang ama ni Maria, may karapatan daw siya sa mga desisyon nito sa buhay.