Alibughang Anak

Ang Mabuting Samaritano »

Ang mag-anak

Ang isang mayamang ama o padre de pamilya ay mayroong dalawang anak na lalaki. Ang mga anak niyang ito ang silang maghahati sa lahat ng kanyang ari-arian.

Hatian

Hiniling ng busnong anak n asana ay maibigay na sakanya ang kanyang mamanahin. Ito naman ay pinahintulutan ng kanyang ama kaya’t ang lahat ng para sa kanya ay napasakamay na niya.

Paglulustay

Ng mapasakamay ng bunsong anak ang kaniyang mga mana ay agad siyang umalis at tumungo sa malayong lugar, malayo mula sa kaniyang ama at kapatid. Doon ay kanyang inubos o nilustay ang lahat ng kanyang mga ari-arian hanggang sa maubos ang lahat ng meron siya.

Paghihirap

Ng maubos ang lahat ng kanyang mga salapi ay naghirap o namulubi siya. Walang kahit na anong natira sa kanya, walang makain at puno pa ng utang kung kaya ay napag-isip niyang magbalik sa kanyang ama

Pagbabalik

Lubos na nagalak ang ama sa pagbabalik ng kanyang palalong anak. Napagdesisyonan nitong magpahanda ng isang salo-salo. Subalit ng nalaman ito ng kanyang panganay na anak ay tumungo ito sa ama na puno ng galit. May bukas na kaisipan naman ang ama na ipaliwanag ang kanyang dahilan sa panganay na anak.

Pagpapatawad

Winika ng ama na pinagbigyan lamang niya ang hiling ng kanyang anak upang mapagtanto nito kung ano ang kahalagahan ng isang pamilya. Nang marinig ito ng kanyang anak ay pinatawad nito ang kanyang nakababatang kapatid.


Ang Mabuting Samaritano (Buod) »