Noong unang-panahon, mayroong isang bata na tinatawag na Luningning. Si luningning ay naninirahan sa isang maunlad na bayan. Ang batang si Luningning ay pinalaki ng mga magulang na may kanais-nais na positibong ideya sa buhay.
Sa paglipas ng panahon ang kanilang ani ay palaging masagana. Dahil dito, naging komportable ang buhay ni Luningning at ng kanyang pamilya, lumaki si Luningning na nabibigay ng kanyang mga magulang ang kanyang gusto.
Gayunpaman ang bata ay hindi sinamantala ang biyayang ito. Madalas pa niyang sinasabi sa kanyang magulang na mas magiging masaya siya kapag ipinamahagi ng magulang niya ang kanila biyaya sa iba pang mga taong mas nangangailangan.
Isang gabi, sa hindi inaasahang pangyayari, ang mga magnanakaw ay nakapasok sa kanilang bahay.
Sinubukan ng kanyang tatay na labanan ang mga magnanakaw ngunit siya ay nasaksak. Gayon din ang nangyari sa kanyang ina.
Noong araw ng libing ng kanyang magulang lang nakitang pumatak ang luha ni Luningning. Dahil hindi niya matanggap na nililibing na sa lupa ang kanyang mga magulang.
Mula noon, nagbago na ang lahat. Ang dating masiyahing bata na puno ng sigla ay palagi ng umiiyak. Walang araw na hindi nakikitang umiiyak si Luningning.
Palaging basa ng luha ang libingan ng magulang ni Luningning. Mraming mga tao na malapit sa kanilang pamilya ang nagtangkang pasayahin siya ngunit walang nagtagumpay.
Hanggang sa isang araw, si Luningning ay biglang nawala. Ang mga mamamayan sa kanilang bayan ay nagulat ngunit sa kalaunan nakalimutan din ang tungkol dito.
Sa paglipas ng panahon may isang puno na lumalaki sa kanilang bakuran. Mayroong kakaibang prutas na namumunga ditto.
Ang mga sa kanilang bayan ay nanungkit nitong prutas at noong kanilang binuksan ang prutas ay nagtaka sila na ang laman ay hugis luha. Ngunit ang prutas mismo ay matamis.
Tinawag nilang luha ang prutas na ito dahil sa pagkaalala nila kay Luningning. Isang masayahing bata na nauwi sa trahedya ang buhay. Isa itong simbolo ng pagkatao ng batang si Luningning. At lumipas ang panahon, nagkaroon na ito ng sariling reputasyon at tinawag na “Suha”.