El Filibusterismo (200 Words)



Ito ay pagpapatuloy ng kuwento ni Ibarra na ngayon ay si Simoun na isang alahero. Balak niyang mahiganti sa mga prayle sa mapait na kinahinatnan ng kanilang pag-iibigan ni Maria Clara.

Ang anak ng yumaong si Sisa na si Basilio ay isa nang mag-aaral ng medisina. Makailang ulit na inaya ni Simoun si Basilio na sumapi sa paghihiganti ngunit tumanggi ito.

Ngunit nang ikulong si Basilio na naging dahilan upang mapagsamantalahan ng mga pari ang kanyang nobya na si Juli, naging buo ang loob ng binata na sumapi sa binubuong kilusan ni Simoun.

Tinulungan ni Simoun na makalaya si Basilio at dito nila isinagawa ang plano. Sa kasal nina Juanito at Paulita Gomez, pasasabugin nila ang pagdarusan ng piging kung nasaan ang mga makakapangyarihang tao at mga prayle.

Isang gaserang pampasabog ang ireregalo ni Simoun sa bagong kasal na kapag muling pinailaw ay sasabog. Batid ni Basilio ang buong plano.

Gayunman, nang isasakatuparan na nila ang plano, nakonsensiya siya at sinabi kay Isagani, dating kasintahan ni Paulita, ang tungkol sa pampasabog na gasera. Inihagis ito ni Isigani sa ilog kaya walang napahamak.

Nagtakang tumakas si Simoun mula sa mga tumutugis rito. Sandali siyang nagtago sa puder ni Padre Florentino. Ngunit nang batid ni Simoun na mapipiit na siya, naglason siya.