Ang Aking Kaibigang Papel

Mula pagkabata pa ay pakiramdam ko ba ay nag-iisa ako sa mundong aking kinalalagyan. Para bang walang nakakaintindi sa akin. Minsan hindi ko mahanap ang mga salitang magpapaunawa sakanila kung ano ang aking tunay na nararamdaman. Malamig ang mundo ko.

Binilihan ako ng aking itay ng isang libro na puno ng mga maikling kwento na siya namang nagbigay kulay at liwanag sa aking murang kaisipan. Paulit-ulit kong binabasa ang libro na ito dahil manghang-mangha ako sa kwento na nababasa ko dito. Mga taong may kapangyarihan na nakikipagsapalaran sa mundong tila bang kahit sa panaginip ay hindi ko makikita.

Dumating ang panahon na tinatamad na ako sa tunay na mundo dahil kumpara sa mga kwentong nababasa ko ay wala itong kabuhay-buhay. Di nagtagal ay binilihan ako ng tatay ko ng dalawa pang libro para sa aking kaarawan. Tuwang-tuwa ako dahil isa nanamang reyalidad ang nabuksan para sa akin.

Fast-forward natin ng ilang taon pa at ang malamig kong mundo ay puno na ng mga iba’t-ibang elemento. Pag dating ko sa kolehiyo, nakatagpo ako ng mga taong kayang makipagsabayan sa timpla ng utak ko. Naging matalik kaming mga magkakaibigan, dahil tulad ko, sila din ay may ugaling “kakaiba” kung ikumpara sa mga normal na tao.

Gusto ko lang sana linawin na mabubuti silang tao. Hindi sila nanlalamang ng kapwa. Sadyang iba lang talaga ang mga trip namin.

Nakapagtapos ako ng kolehiyo at pumunta ng Japan para gumawa ng mga manga, sigurado ako ay alam ninyo ang Japanese manga. Nakapagtrabaho ako sa isang kilalang konpanya kung saan ay iningatan nila ang aking talento at thankful sila sa aking kontribusyon.

Para sa taong nakakabasa nito, gusto ko lang sana malaman mo na hindi dahil “kakaiba” ka ay may mali sayo. Minsan talaga may taong tulad mo at ako, na malawak ang imahenasyon. Wag mong kawawain ang sarili mo kakatanong at kakasisi kung bakit hindi ka gusto ng mga taong gusto mo. Itaas mo lang ang iyong noo at maging mabait ka. Maging bukas ang iyong kaisipan sa mga bagong experience. Wag ka magkulong sa kwarto mo kahit na napaka komportable dito. Dun ka sa hindi komportable. Sinasabi ko sayo, magpapasalamat ka sa sarili mo na ginawa mo iyon.

Palaging may lugar sa buhay para sa kahit sinong tao.