Isang umaga ng Disyembre, namataang naglalayag ang Bapor Tabo sa Ilog Pasig. Sakay ng kubyerta, sa ibabaw nito, ang maiimpluwensiya at mayayamang personalidad tulad nina Donya Victorina, Kapitan Heneral, Don Custodio, Ben Zayb, Padre Salvi at Irene, at si Simoun.
Napabilang si Simoun sa mga prominenteng tao dahil tanyag siya bilang isang alahero at naging kadikit niya ang Kapitan Heneral.
Nagkuwentuhan sila upang hindi mainip sa paglalakbay. Napag-usapan ang pag-aalaga ng itik at paggawa ng kanal na mag-uuganay sa lawa ng Laguna at Maynila.
Nagkatinginan sina Don Custodio at mga prayle dahil sa kanilang magkakaibang mithiin. Si Donya Victorina naman ay tutol na mag-alaga ng mga itik dahil nandidiri siya sa balut.