Ang Kwento Ni Mabuti (Buod)

Usok At Salamin »

“Mabuti” ang tawag ng mga mag-aaral sa gurong iyon. Ito ang naging pangalan niya dahil marami siyang kuwentong kapupulutan ng kabutihan. At higit sa lahat, “Mabuti” ang naging palayaw niya dahil hilig niyang sambitin ang “mabuti” sa kaniyang mga pahayag.

Dahil sa angking husay sa pagtuturo at mabuting kalooban, naging idolo ng mag-aaral na si Fe ang kaniyang guro na si Mabuti. Hangang-hanga siya sa guro na maliban sa magaling nang magturo, ay lagi pang ipinagmamalaki ang kaniyang anak.

Gayunman, isang araw, mayroong mababaw na suliranin si Fe. Dahil doon, nagpunta siya sa silid-aklatan kung saan walang tao upang umiyak. Ilang sandali pa ay dumating ang kaniyang gurong si Mabuti at nakinig sa kaniyang salaysay. Maya-maya pa, hindi na rin napigilan ng gurong umiyak. Doon nalaman ni Fe na kahit ang magliw at mahusay na gurong si Mabuti ay may suliranin din.

Napag-alaman ni Fe matapos ang ilang araw ang dahilan ng pag-iyak ng gurong si Mabuti. Natuklasan pala ng guro na hindi siya ang unang asawa ng kabiyak na doktor. Nalaman niya lamang nang pumanaw ang asawang doktor at hindi maiburol sa kanilang bahay.

Lumipas ang mga panahon at hindi na guro ni Fe si Mabuti. Ngunit nananatili ang kabutihan nito at inspirasyon sa kaniyang buhay.


Usok At Salamin (Buod) »