Ang Lalaking Manlalakbay
Mayroong isang lalaki na naglalakbay galing Jerusalem papuntang Jeriko, habang tanaw niya na ang isang bahay mula sa Jerusalem, dahil naabutan na siya ng sikat ng araw, sumilong muna siya sa ilalim ng isang punongkahoy sa lugar upang magpahinga at kumain ng pananghalian. Pag tapos kumain ay binitbit na niya ulit ang kaniyang sako na dala-dala na naglalaman ng mga kagamitan.
Pagpapatuloy sa Paglalakbay
Tumuloy pa rin siya sa paglalakbay habang sikat pa rin ang araw at umaasang siya ay makapupunta sa kaniyang destinasyon, ngunit mayroon siyang nakasalubong na isang grupo ng mga kalalakihan bigla.
Masahol na ginawa ng grupo ng mga kalalakihan
Nang makasalubong niya ang mga kalalakihan ay bigla na lamang siyang ginulpi at kinuha ang kaniyang mga gamit na dala.
Ang Pari at Liveti
Habang naghihingalo at bugbog sa daan ang lalaking manlalakbay, nakita siya ng isang Pari ngunit hindi niya tinulungan ang lalaki, ganoon din ang ginawa ng Liveti, dinaanan lamang nila ang lalaking manlalakbay.
Ang Mabuting Samaritano
Nang makita siya ng isang samaritano, tinulungan niya ang samaritano at ginamot ang kaniyang mga sugat. Dinala pa niya ito sa kanilang lugar upang pagpahingahin sa kaniyang bahay, habang pinabantayan saglit ang estranghero. Pagtapos noon ay nagpatuloy na siya sa paglalakbay ulit.