Kabanata 11: Los Baños (Buod)



Bisperas ng bagong taon nang maglaro ng tresilyo sa isang bahay-aliwan sina Padre Sibilya, Padre Irene, Padre Camorra, at Kapitan Heneral sa Los Baños.

Nagpatalo ang mga paring sina Irene at Sibilya kay Kapitan dahil gusto lamang nila itong makausap tungkol sa pagpapatauo ng paaralang Kastila. Ngunit maraming dahilan ang Kapitan. Hindi kasi mahalaga para sa Kapitan ang paaralan kaya wala itong interes.

Pinalitan naman ni Simoun si Camorra sa paglalaro. Sabi ni Padre Irene, ipusta raw ni Simoun ang kanyang brilyante at pumayag naman ang alahero kapalit ng isang pangako kung si Simoun ang mananalo.

Tinanong nila si Simoun kung ano ang kaniyang hiling. Sabi ni Simoun, ito raw ay para sa kapayapaan ng bayan.