Kabanata 20: Si Don Custodio (Buod)



Hindi naniniwala sa mga tradisyon ng simbahan si Don Custodio Salazar. Hindi mawari ang ugali ng ginoo, minsan ay mabait ito sa mga mahihirap, minsan naman ay hinahamak niya ang mga ito.

Nakapangasawa ng mayamang taga-lungsod ang Don kaya naman naging aktibo siya sa kalakalan at naging tanyag na personalidad.

Ngayon, ay usap-usapan ang paggamit ng wikang Kastila sa pagtuturo sa mga mag-aaral. Pinag-iisipang iyon ng maigi ni Don Custodio. Siya kasi ang naatasang pag-aralan ang panukala at siya rin ang magbibigay ng pasya.

Sa kaniyang gagawing desisyon, ang nais lamang mangyari ng Don ay ang mapasaya ang mga prayle, higit si Padre Irene.