Kabanata 24: Mga Pangarap (Buod)



Agad na nabalita sa buong bayan ang pagkakasakit ni Simoun. Ayaw nitong makipagkita sa mga tao na lubhang kakaiba dahil napabayaan na rin nito ang kaniyang pagiging alahero. Kahit panauhin sa tahanan nito ay di siya tumatanggap.

Hinihintay naman ni Isagani ang nobyang si Paulita. Matagal ito bago nakarating na sakay ng isang karuwahe. Kasama nito si Juanito at si Donya Victorina. Hinahanap nito ang asawang si Tiburcio. Tinanong niya si Isagni kung alam ba nito kung nasaan ang asawa niya.

Sumagot si Isagani na tila walang alam kahit nasa pangangalaga ng tiyuhin ni Isagani si Don Tiburcio.

Ipinagtapat naman ni Isagani sa katipan kung nasaan talaga si Tiburcio.