Kabanata 25: Tawanan at Iyakan (Buod)



Batid na ng mga mag-aaral ang kalalabasan ng kanilang adhikaing magamit ang wikang Kastila sa mga paaralan. Wala pa mang hatol si Don Custodio patungkol sa bagay na iyon ay nakutuban na nila ang kanilang pagkabigo.

Hindi pabor ang mga prayle dahil ayaw nilang gumamit ng kanilang wika ang mga Indio. Wala umanong karapatan ang mga ito sa wika ng mga Espanyol.

Nagtipon ang 14 na mag-aaral sa isang pansiterya gaya ng kanilang kasunduan para sa pasya. Wala noon sina Basilio at Juanito.

Nasaway ng mga pari ang maiingay na mag-aaral. Napansin ni Isagani ang isang lalaking nagmamasid na nakita niyang sumakay sa sasakyan ni Simoun.