Nababalot na ng takot ang buong bayan dahil sa mga paskil na kumakalat na gawa umano ng mga mag-aaral. Takot ang lahat tulad ng mga Instik, heneral, at mga pari. Wala na ring dumating sa tindahan ni Quiroga.
Tinanong naman ni Quiroga si Simoun tungkol sa kaniyang mga armas sa bodega. Pero ang sabi lamang ni Simoun ay huwag galawin ang mga iyon.
Nagtungo si Quiroga kay Don Custodio pero ayaw niya ng bisita. Kay Ben Zayb siya sunod na pumunta pero baril lamang ang nakita niya rito.
Ibinalita naman ni Padre Irene kay Kapitan Tiyago ang nangyayari na ikinamatay naman ni Kapitan.