Nakarating si Basilio sa kanilang bayan kasabay ng prusisyon para sa Noche Buena. Mayroon ding isang kutserong binugbog, si Sinong. Naiwan niya kasi ang kaniyang sedula.
Dumaan ang iba’t ibang rebulto na pinagmasdan nina Basilio at Sinong. Nagtanong ang kutsero kay Basilio kung nakaligtas naman ba ang kanang paa ng bayani sa alamat na si Bernardo Carpio na pinaniniwalaang magsasalba sa inaaping mga Pilipino.
Nang mawala ang ilaw ng kaniyang kalesa, muling dinakip si Sinong at naglakad na lamang si Basilio. Napansin ng binatang nag-aaral ng medisina na iba na ang Pasko.
Malungkot at wala man lamang anumang palamuti tulad ng parol.
Nang dumalaw si Basilio kay Kapitan Tiago, dito niya nalaman ang naganap kina Tales at kasintahang si Juli.