Kabanata 6: Si Basilio (Buod)



Nagtungo isang madaling araw si Basilio sa libingan ng mga Ibarra. Anibersaryo na kasi ng pagkamatay ng kaniyang inang si Sisa. Nanalangin siya para sa ina at umalis upang magtungo sa Maynila.

Dahil sa pagkamatay ng kapatid na si Crispin at inang si Sisa, muntik na ring wakasan ni Basilio ang sariling buhay. Nakita lamang siya nina Kapitan Tiago at Tiya Isabel kaya naman kinupkop na ito. Pinag-aral ito sa Letran ngunit nakutya dahil sa kaniyang anyo at kamang-mangan.

Nagsikap siya upang matuto. May pagkakataon na nilito siya ng isang guro ngunit dahil sa angking talino ay hindi nagtagumpay ang guro na nakaalitan pa niya.

Nag-aaral siya sa Ateneo Municipal ngayon ng medesina alinsunod na rin sa hiling ni Kapitan Tiago.